Saturday, December 11, 2010

matalik na kaibigan

sa dami ng iyong kaibigan at sa dami mong kilala
hindi lahat magiging kadikit o kasundong kasundo
tama na siguro yung batian at konting kwentuhan
hindi lahat mangingibabaw sa mata mo

sa lahat ng dumating na tao sa buhay ko
may iisa lang  na tumayo o umangat sa pananaw ko
hindi nga naman nasasabi ang lahat ng bagay sa tagal ng inyong pag sasama
kundi kung pano kayo magturingang dalawa

may kaibigan ako, sa una pa lang sabi ko sa sarili ko kabaliktaran ko siya
madami kaming pag kakaiba, pasensyosa, maunawain, may kontrol sa sarili,
mabilis umiyak at mitikolosa...
hindi ko nga alam kung bakit sa lahat talaga kami pa ang naging ganito ka magkasundo

hindi ko din masisisi sarili ko dahil sa mabilis ko siyang naka gaanan ng loob
hindi ka mahihiyang sabihin ang mga nararamdaman mo sa kanya kasi makikinig siya
sa kung anung paraan mo man gusto kaya ka niyang paki samahan
sa tawanan, iyakan, seryosohan at lokohan maaasahan

mahirap makahanap ng totoong kaibigan na magiging totoo sayo sa lahat ng bagay
yung makakaalala sayo sa lahat ng bagay hindi lang sa masasayang bagay lamang kundi sa kahit hirap
isang malaking regalo na hindi kayang tumbasan ng kahit anu man ang mag karoon ng kaibigan
na tulad niya.. kaya ako wala akong masasabi dahil dumating siya sa buhay ko sa tamang oras at sa tamang panahon.....

No comments:

Post a Comment