Sunday, December 5, 2010

ano ba ang ibig sabihin ng BUHAY ?

             ano nga ba ang salitang buhay ?
             marami itong ibig sabihin na hindi natin mabigyan ng tunay na kahulugan..
             kung baga.. ang buhay ay misteryo..
             walang eksaktong lugar kung san ito matatagpuan
             walang amoy na hindi natin matukoy
             walang imahe na hindi natin makita
             at wala ding hubog na hindi natin nahahawakan..

            buhay..buhay..buhay... ang buhay nga naman oh oh!
            hindi natin maintindihan..
            mabagal, mabilis,taas, baba,
            ang buhay ay walang eksaktong diskripsyon na mabibigay ng ibig sabihin nito..
            dahil iba iba ang tao.. may konti pag kakapareho man ngunit mag kaiba pa rin..

           sa buhay natin.. hindi lahat kailangang hanapan ng sagot..
           lalo lang nating ginugulo ang ating isip sa mga bagay na ang sarili lang natin ang kasagutan...
           madami tayong tanong.. madami ring sagot pero san nga ba dito ang tama ?
           san ang mali ?


          hindi ang ibang tao ang makakasagot ng katanungan natin..
          ang mga tanong na gumagala sa mga isipan natin...
          tayo at ang sarili lang natin ang makakahanap ng kung anu man ang ibig sabihin ng buhay para sa atin..


         ikaw! ano nga ba ang ibig sabihin ng buhay ??

No comments:

Post a Comment